Posted by: aeolus22 | April 10, 2008

BUS MODUS

From: http://forums.mukamo.com/index.php?showtopic=40186&st=0&gopid=1500436&#entry1500436

 

Para ito sa mga sumasakay ng bus… magdala lagi ng barya…

Ingat po…
(True story)

hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang…..

AKALA KO AKO LANG!…UNG PALA MERON PANG IBA NA MABIBIKTIMA NG
GANITONG SISTEMA…PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT
MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO…kawawa ka naman….maglalakad ka….

(based on my own experience sa isang aircon bus….)

last september 6, 2007, 4pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng
ticket (going to baguio ) sa victory liner cubao. sumakay ako ng
aircon bus from victory liner (cubao) to robinsons galleria (going
back sa office in ortigas)

…ang pamasahe po ay P10 from cubao to robinsons galleria… at ako
po ay nagbigay ng P100 sa kundoktor…binigyan nya ako ng ticket worth
P10 at kinuha ung 100pesos na binayad ko, sabay sabi na sandali lang
wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P Tuazon (near
araneta center)…pina alala ko uli ung sukli ko sa
konduktor…tinanong nya ako, “san ka nga uli baba’?.” sumagot ako
na…”sa may robinsons galleria lang!”…….”malayo ka pa naman
eh…sandali lang”…sabi ng kundoktor

so, pagdating ng VV Soliven… lumipat ako ng upuan (3rows before the
driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas
ave.) kinukuha ko na ung sukli ko…hindi kumibo ang
kundoktor…(luminga-linga lang) parang deadma ba?….

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)…tumayo ako at nilapitan
ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver…hiningi ko ung
sukli ko…

eto ang sabi nya sa’kin…”PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,… sabay inabot ko…

sabi ng kundoktor…”Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG
TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!…. taranta.. KA PALA EH…
medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya… kaya sumagot ako… na
..taranta.. KA RIN!!!…KANINA KO PA SINASABI NA …UNG SUKLI KO SA
P100 NA BINIGAY KO…

dun na kami nagkasagutan….at may dumikit sa akin na lalaki at
sinabihan ako na ….”PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA ‘SAN DAANG PISO
eH…TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..

tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver…at sinabi ko ung
ginawa nung kundoktor nya….

eto ang sabi nung driver…. ‘ ABA ..PARE…HINDI KO ALAM YAN…BAKA
NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO…(sa
pagkakataong ung…tatlo na ang nakikipagtalo sa akin… ung
kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran
ng driver…

Sabi ko sa sarili ko…agrabyado ako pag nakagulo…kaya sinabihan ko
ung driver na…baba na ako. ..sabi ko…”BUKSAN MO UNG PINTO…BABABA
NA AKO..LAMLAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO
SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)…SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO…(sa
pagkakataong ung, …ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng
POEA…pero hindi nya binubuksan ung pinto…hanggan sa umarangkada na
uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT
Station) ako ibinaba…na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na
mapagsusumbongan ng kalokohan hila…

So…after one month…nakalimutan ko na ung nangyari….

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm…pauwi na ako galing
ortigas going to makati (guadalupe tulay)…

May isang babae na kasakay ko sa bus….na nagrereklamo sa kundoktor
at driver….na hindi rin binibigay ung sukli.

Sya daw ay galing sa may Timog …sya ay baba sa may Boni….

Naalala ko ung nagyari sa’kin …nang biglang may “LALAKI” na tumayo
sa may kabilang upuan at sinabihan ung ‘BABAE” na …

“MISS…MISS…SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA
KUNDOKTOR…KITANG KITANG KO”….

Sa galit nung babae…akmang baba na sa may tapat ng ‘Jollibee
Boni”…nang biglang isinara nung driver ung pinto….at tsaka
pinatakbo na matulin ung bus…hanggan sa makarating sa may tapat ng
“PUGON”…(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)….

Dun ko na pag tanto ung nang yari sa’kin…parehong-pareho ng ginawa
dun sa babae…

Bago ako…bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)…tiningnan ko ung
driver,,,ung kundoktor at ung “LALAKI” na kumatig dun sa kundoktor….

Magkaka-kilala pala sila….at nagtatawanan pa…

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari…

pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN….may “MAMA” na bumati sa
akin…sabi nya…”PARE, KALA KO KANINA…TUTULUNGAN MO UNG BABAE…un
hindi sinuklian?… “KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER
AT NUNG KONDUKTOR….UNG ISA…HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY
LIKOD MO….KAYA AKO…LUMIPAT DIN AKO …KASI TWO YEARS AGO…NAKA
EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK…SINAKSAK UNG ISANG
PASAHERO…KAWAWA NAMAN…GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA
BUS….KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS…PALAGI AKONG MAY DALANG
BARYANG PANG BAYAD…

so samakatuwid…hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinang mo
sa bus….kawawa naman tayo…parehang kung mamuhay….paano na
tayo…????

Sa inyong lahat…lagi po sana tayong mag iingat….

Salamat po.

Advertisements
Posted by: aeolus22 | November 15, 2007

Corny Pick Up Lines

1. Minamalat na naman ang puso ko..
*** paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo..

2. Ikaw ba may-ari ng Crayola??
*** ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko..

3. Uy picture tayo!!
*** para ma-develop tayo!!
4. Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita??
*** hinde, para lagi kita mamimiss..
5. Can i take your picture??
*** coz i want to show Santa exactly what i want for christmas!!
6. Exam ka ba??
*** gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!!
7. Lecture mo ba ako??
*** lab kasi kita..
8. Centrum ka ba??
*** kasi you make my life complete!!

9. Miss pwede ba kita maging driver??
*** para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..

10. Mahilig ka ba sa asukal??
*** ang tamis kasi ng mga ngiti mo..

11. Pinaglihi ka ba sa keyboard??
*** kasi type kita..

12. I hate to say this but… You are like my underwear..
*** coz i can’t last a day without you!!

13. Ibibili kita ng salbabida..
*** kasi malulunod ka sa pagmamahal ko..

14. Pwede ba kitang maging sidecar??
*** single kasi ako eh..

15.Me lisensya ka ba??
*** coz you’re driving me crazy eh..

16. May kilala ka bang gumagawa ng relo?
*** may sira ata relo ko.. pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko..

17. Grabe nakakatawa yung mga pick-up lines noh?? hahaha! May alam ka pa
bang iba?? Wala na akong maisip eh..
*** coz all i ever think of is you..

18. I’m a bee..
*** can you be my honey??

19. Nakakatakot diba ang multo??
*** pero mas nakakatakot kapag nawala ka sa buhay ko..

20. Am i a bad shooter??
*** coz i keep on missing you..

21. Naniniwala ka ba sa love at first sight??
*** O gusto mong dumaan ulit ako??

22. Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh??
*** kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad..

23. Excuse me.. Are you a dictionary??
*** because you give meaning to my life..

24. Bangil ka ba??
*** nahuhulog kasi ako sa’yo..

25. Pustiso ka ba??
*** kasi, can’t smile without you..

26. Pagod na pagod ka na noh??
*** maghapon at magdamag kana kasing tumatakbo sa isipan ko eh..

27. Me butas ba puso mo??
*** kasi natrap na ako sa loob, can’t find my way out!!

28. Anung height mo??
*** ha?? pano ka nagkasya sa loob ng puso ko..

29. Hey, did you fart??
*** coz you blew me away!!

30. Sana “T” na lang ako..
*** para i’m always right next to “U”

31. Are you Jamaican??
*** kasi Ja-maican me crazy!!

NI copy ko lng po e2 sa ibang forums.. gusto ko lng e- collect para pag trip kong basahin me sarili akong copy.. hehe

Posted by: aeolus22 | November 15, 2007

Sa ulo ng nagbabagang Balita!!!

* Capt. Hook dumaan sa Quiapo, pinirata!!!

* Palaisdaan, nasunog!!!

* Tahanang Walang Hagdan, inakyat!!!

* Bakla sumali sa away, napasubo!!!

* Bagong tuli nagyabang, lumaki ang ulo!!!

* Unanong madre, napagkamalang penguin!!!

* Bulag nakapatay, nagdilim daw ang paningin!!!

* Iceman nanood ng porno, nag-init!!!

* Tindera ng suka, tinoyo!!!

* Teacher nagkamali, tinuruan ng leksyon!!!

* Lolo naakusahang nang-rape, pero sa korte….biktima ayaw tumayo!!!

* Eroplano nag-crash, lahat ng pasahero namatay sabi…. ng mga survivor!!!

* Basurero nagsampa ng kaso, binasura!!!

* Dahil may reklamo, eskwelahan ng mga bingi nag-noise barrage!!!

* Tubero, nagka-tulo!! !

* Lalaki natagpuang pugot ang ulo, inaalam pa kung buhay!!!

* Barbero tumestigo sa krimen, ayaw paniwalaan!! !

* Misis ng photographer, nakunan!!!

* Tindera ng tubig, namatay sa uhaw!!!

* Kaso ng pilay, nilalakad!!!

* Invisible man, nakita na!!!

 NI copy ko lng po e2 sa ibang forums.. gusto ko lng e- collect para pag trip kong basahin me sarili akong copy.. hehe 😀

Categories